Thursday, February 19, 2009

Ako ang Daigdig [Phil Lit TF 0900-1030]



AKO ANG DAIGDIG

Alejandro G. Abadilla


ako

ang daigdig

ako

ang tula

ako

ang daigdig

ang tula

ako

ang daigdig

ng tula

ang tula

ng daigdig

ako

ang walang maliw ako

ang walang kamatayang ako

ang tula ng daigdig


ii


ako

ang daigdig ng tula

ako

ang tula ng daigdig

ako

ang malayang ako

matapat sa sarili

sa aking daigdig

ng tula

ako

ang tula

sa daigdig

ako

ang daigdig

ng tula

ako

ang daigdig


iii


ako

ang damdaming

malaya

ako

ang larawang

buhay

ako

ang buhay

na walang hanggan

ako

ang damdamin

ang larawan

ang buhay

damdamin

larawan

buhay

tula

ako


iv


ang daigdig

ako

sa tula

ako

ang daigdig

ng tula.


(1940)



REFLECTION:


Masasabi ko na kakaiba ang ginamit na istilo sa paggawa ng tula na ito. Maaaring nais ipakita ng manunulat na sa pagsulat nya, siya ay malaya at maaaring gawin ang anumang kanyang naisin. Sa tulang ito nakita natin ang koneksyon na nagawa ng manunulat between poetry, the world and oneself. The world of poetry is instilled in each and everyone of us. Mayroong makata sa loob nating lahat ika nga, maaaring isang manunulat na nais ilabas ang kanyang saloobin o ihayag ang kanyang nararamdaman sa pammagitan ng tula. Sabi nga ang mundo ng tula ay walang kamatayan, nandyan lang siya. May buhay ngunit walang kamatayan. At dahil din sa mga tula nailalabas natin ang katotohanan, ito ay maaaring maging sangkap o gamit para ipaalam sa nakararami ang katotohanan, ang tunay nating nararamdaman. Nasasabi natin ang totoo ng walang pagaalinlangan, ng walang pumipigil, walang restrictions at walang rules and regulations na dapat sundin. Kaligayahan o kalungkutan, pag-ibig o galit, pagsang-ayon o pagkontra, ang lahat ng ito ay malaya nating maipapakita sa tula. Hindi kailangang mangambang mawala ito o may magbawal na ito’y mailathala. Sa mundo ng tula maikwekwento natin an gating buhay, experiences at nararamdaman. Tao ang gumagawa ng tula, siya ang maestro nito at ang tula ang kanyang obra, ang kanyang painting sa canvas. Tayo ang daigdig ng tula, ang daigdig ng tula ay nasa atin, ito ang ating mga ideya, nais sabihn at nararamdaman. Tayo ang nagbibigay buhay at kulay dito.



Composed:


AKO ANG SAYAW

Don Valdecañas


Ako ang sayaw

Ang sayaw ay ako

Sayaw

Ako

Ako ang sayaw

Ang sayaw ay ako

Galaw ay sayaw

Sayaw ay galaw

Galaw ang sayaw

Sayaw ng sayaw ay ako

Galaw

Sayaw

Ako

Ako ang sayaw

Sayaw ay ako

Sayaw ang buhay

Buhay ang sayaw

Buhay ng sayaw ay ako

Ako ang sayaw

Walang kamatayang sayaw

Sa habangbuhay ng sayaw may ako

Buhay ng sayaw ay galaw

Sa galaw buhay ang sayaw

Sa sayaw ang buhay at

Galaw ay ako

Buhay

Galaw

Sayaw

Ako

Ako ang sayaw

Sayaw ay ako

Ako


(2009)

Kon [Phil Lit TF 0900-1030]



KON

(KUNG)

Gardeopatra Quijano

Translated by Don Pagusara


Kung mayroon lang akong pakpak,

Lilipad ako sa himpapawid,

Aaninagin ko silang humihikbi,

Paliligayahin, aking aawitan;

Hahanapin ko ang nagdadalamhati,

Isasauli sa kanila ang dahilan.

Kung tulad ko lang ay isda,

Sisisirin ko ang dagat na maitim,

Hahanapin ko ang mutya,

Lahat ng magaganda’y aking kukunin

Dadalhin ko rito sa lupa

Upang ipalit ang bagong kalagayan.

Kung ako lang sana ang tubig,

Wawasakin ko ang mga pampang;

Ihahaplos ko ang aking lamig,

At dudurugin ko ang mga batang;

Papatagin ko ang bundok na matarik

Upang ipalt ang bagong kalagayan.

Kung ako lang sana ang araw,

Hindi ako patatakip sa maitim na ulap

Ipababaha ko ang aking sinag,

Ibibigay ko ang lahat ng ganda

Nang lahat kayo’y masiyahan

Umaawit, maligaya, nakangiti!

At kung ako lang sana ang hangin,

O, aaliwin ko ang mga bulaklak,

Ipapalamuti ko sa lahat ng dako

Ang mga talulot na nangalaglag,

Baka sakaling may maiwang halimuyak.

Susundan ang bango ng mga makata.

(1936)


Reflection:

The author uses simile to use nature as the main mover of the said poem. We all long for happiness, something that everyone wants. The idea of using nature is so good, for there are a lot of things around us that brings us happiness in one way or another but most of the time we take for granted. This certain poem also shows how beautiful nature is and the good things it brings to us. The different ways the thing around us could bring joy and happiness to us. The poem shows the author wants to give happiness to other people. If we will all have the same wanting as of the author, then maybe the world would be a better place for all of us. The way the wings would be used ti make the people who are mourning is so good, for I learned that having a companion ease loneliness, and it makes the burden lighter. For using a fish, and since most of the things here on the surface were already spoiled the thought of bringing the unspoiled goodness of the ocean, it really is a good way or living happiness. The strength and gentleness of water also shows how good it is to do some changes around us to get a better way of living. The sun, with its rays of sunlight that symbolizes a new day, a new start and something that shows us the earth beauty by giving us light. And the wind, that invisible mover, always there but we cannot see. A force that spreads the good scent of the flowers, leaving us feeling good, relaxed and happy. Happiness is always possible for there would always be a thing around us that could give it to us.



Composed:


SANA

Don Valdecañas


Sana ako ay apoy

Bibigyan ko ng init ang mga nilalamig

Susunugin ang mga nakakapanglungkot

Aabuhin ang mga nakakalat na dumi.

Sana ako ay kidlat

Bibigyan ng liwanag ang himpapawid

Tutupukin ang mga nakasasakit

Magbibigay ng tuwa sa aking bawat saliw.

Sana ako ay ipo-ipo

Hihigupin lahat ng magaganda

Ilalagay sa lupa para makapagpasaya

Aalisin ang kalat at pababanguhin.

Sana ako ay bahaghari

Magbibigay kulay sa kalangitan

Magbibigay ligaya pagkatapos ng ulan

Magdudulot ng ngiti sa bawat mukha.

Sana ako ay takipsilim

Magbibigay pag-asa ng bagong simula

Maghahatid ng pahinga sa mga pagod na

Magdudulot ng kakalmahan sa isipan.


(2009)

Nalpay A Namnama [Phil Lit TF 0900-1030]



NALPAY A NAMNAMA

(BLASTED HOPES)

Leona Florentino

Translated by M. Foronda Jr.


What gladness and what joy

are endowed to one who is loved

for truly there is one to share

all his sufferings and his pain.

My fate is dim, my stars so low

perhaps nothing to it can compare,

for truly I do not doubt

for presently I suffer so.

For even I did love

The beauty whom I desired

never do I fully realize

That I am worthy of her.

Shall I curse the hour

when first I saw the light of day

would it not have been better

a thousand times

I had died when I was born.

Would I want to explain

but my tongue remains powerless

for now do I clearly see

to be spurned is my lot.

But would it be my greatest joy

to know that it is you I love,

for to you do I vow and a promise I make

it’s you alone for whom I would lay my life.


(ca. 1880)


Reflection:


Hindi masamang umasa, umasang makamtan ang isang bagay, pisikal man ito o hindi. Ang pagibig ay isa sa maraming bagay na naguumpisa sa pag-asa. Dahil sa kaligayahang dulot nito, marami sa atin ang patuloy na naghahanap ng pagibig. Tulad nga ng sinabi sa tula, may nakalaan sa ating lahat para tayo ay damayan sa ating mga paghihirap at kalungkutan. Isang taong magdadala sa atin ng pagibig na syang magbubunga ng kaligayahan. May mga naghahanap, may mga naghihintay, may mga nakuha na, may mga nandyan na ngunit di pa din Makita at may mga nakikita na ngunit walang lakas ng loob na gumawa ng kahit na ano para kahit subukan lang, mapasakanila ang pagibig na iyon. Kuntento nang nakita ang pagibig at malaman na iyon ay para sa kanila at ang taong pagbibigyan nila ay nandyan na din.

Masarap magmahal, masarap malaman na makita na natin ang taong bibigyan natin ng pagmamahal nay un, ang umasang mamahalin din tayo ng taong yun.

Pagibig di ba lahat naman tayo naghahangad nito? Dahil kung wala ngang pagibig anong lungkot at dilim ng buhay natin. Lungkot ang dulot ng isang pagasang mauudlot ng dahil na din sa di pagkilos.


Composed:


TORPENG PAGIBIG

Don Valdecañas Jr.


Anong hirap ang umibig

Kung ito ay hindi masabi

Dibdib ko ay sumisikip

Dahil sa damdaming kinikimkim.

Dalang sakit ‘di mapaliwanag

Kapag ikaw ay nakikita

Sa piling ng iba

Ikaw ay napakasaya.

Kahit anong pasakit susuungin

Para lang mapakita

Ikaw tanging ikaw

Nagiisang sinisinta.

Ay! Ang sarap magmahal

Kay ganda sa pakiramdam

Sa loob parang kay gaan

Kapag ikaw ay dumadaan.

Ibibigay ko ang lahat

Lahat ng aking makakaya

Para lamang matanaw

Ngiti sa iyong mukha.

Puso ay napapangiti

Dahil sa imahinasiyon ikaw ay kapiling

Kahit na sa sarili lamang

Ikaw ay nagiging akin.


(2009)