Thursday, February 19, 2009

Ang Dapat Paniwalaan [Phil Lit TF 0900-1030]



ANG DAPAT PANIWALAAN

Jose F. Lacaba


Siya’y pinalaki ng lolang palakuwento,

kaya sa pagtulog ay lagging kasiping

ang kapre, tikbalang multo at maligno,

sanlibo’t isang panggabing pangitain.

Itinuro sa kanya ng butihing lola

(kasabay ng katon) ang lahat ng dasal,

antanda sa Latin, senyas at pangontra

sa kapangyarihan ng aswang at kulam.

Subalit pagpasok sa unibersidad,

nang ang kanyang lola’y matagal nang patay,

natutuhan din niya kung ano ang dapat

paniwalaang ng isang edukado:

na ang dapat niyang katakutan ay tao,

at sa tao’y hindi dasal ang panlaban.


(ca. 1965-69)



REFLECTION:


Tayong mga Pilipino ay madaming mga kasabihan at pamahiin na pinaniniwalaan. Naipapasa ang mga ito mula sa mga naunang henerasyon papunta sa mga bagong sibol. Karamihan sa mga ito ay galing sa probinsya kung saan may mga pagkukulang ang siyensya at ang mga pagkukulang na ito ay pinupunan ng mga kasabihan na ito.

Pagpasok ng sapat na edukasyon, ng mataas na kaalaman sa pamantasan o unibersidad, namumulat ang mata ng isang tao sa mga bagay na hindi niya dating alam. Nakikita nya ang kabulukan o kagandahan ng isang sistema na nilikha ng tao. Itinuro sa kanya ang mga tama at mali, mga bagay na tanggap sa lipunan at ang mga bagay na hindi. Kanya ding nalalaman na ang tao bilang pinakamataas na uri ng hayop ay may kapabilidad na gumawa ng bagay na hindi nya aakalain at hindi sa kanya maipapakita o maituturo ng pamahiin sa probinsyang kinalakihan. Siya ay mamumulat na ang kanyang kapwa tao lamang ang maaaring makasakit sa kanya at makapagdala ng lungkot at kahirapan at pasakit.



Composed:


BISPERAS

Don Valdecañas


Sabi sa akin nung ako ay bata pa

Tuwing bisperas ng pasko dapat mag saya

Dahil ito ang gabing dumarating

Ang lalaking mataba at naka pula

Siya ay may listahan

Ng mga mababait at hindi

At kung ikaw ay naging mabait buong taon

Magandang regalo ang makakamit

Ngunit nang ako ay tumanda na

Dahil sa relihiyon at edukasyon na nakamit

Nalaman na ang nakapulang mama ay walang katotohanan

Ang pagpapakabait ay para sa sarili lamang


(2009)

No comments:

Post a Comment