Thursday, February 19, 2009

Sa Diyos Nga Gilansang [Phil Lit TF 0900-1030]


SA DIYOS NGA GILANSANG

(SA DIYOS NA NAKAPAKO)

Rene Estella Amper

Translated by Don Pagusara


Ang sining ng ating pangangailangan ay mahiwaga,

Na ginagawang mahalaga ang pangit na mga bagay.

—William Shakespeare, King Lear

Magmula sa abril ng ika’y kanilang ipinako

hindi naman natupok ang aming gutom,

nangarap kami ng biglang Paraiso

tulad ng kawatan sa iyong kanan;

kaya’t nakahilera kaming kumalong

sa malahari Mong bangkay,

ilaw ng prusisyon dagitab ng alitaptap,

mga hakbang nami’y rosaryo ng mga bituin,

mula sa putik sa Carbon

tungo sa kamanggahan sa Guadalupe;

kasama naming ang lupon ng mga anghel

sa disco pubs at beerhouse sa uptown

at Arellano Boulevard,

kasabay ang mga bakla sa Pelaez,

mga hasler sa B. Aranas,

mga matadero sa Lorega,

mga batang yagit sa Colon,

mga alipin sa Gaisano,

mga kutsero sa Pardo, mga dispatser,

mga drayber ng dyipni, mga madre

mula mapuputing hawla,

sagad sa langit ang aming pagdalangin

sana’y tumagos sa lupa ang Iyong pag-ibig;

tubig, apoy, alibangbang, alimpulos,

uod, bubuyog, ahas, alon, gapnod, kasingkasing

sabay sa pagbubungkal ng likuran ng daigdig

hanggang mapatid an gaming pagkauhaw,

hanggang mailigpit ang tanang basura,

hanggang sumilay ang kaunlaran;

ngunit naibenta na ang kababaihan

sa mayayamang dayuhan;

nakipagpenpal, nagdanser, nag-asawa ng matanda,

ang iba’y aming itinago;

ang hindi naitago’y nagpaalipin sa Singapore.

Talukbong ng aming kahihiyan, ibinunyag

sa ambon; tanda ng aming kapighatian

nahubog sa sirang sapatos!

Mahiwaga, na kahit sa alat

ng aming hininga, ipinagsisigaw namin

ang langit sa lupa, piniga ang luha, idinilig sa puso.

Hindi ka nakialam!

Panginoon, di ka kaya nagbibiro?

Hanggang saan ang aming paghihintay?

Napuno ng alikabok ang aming tuyot na lalamunan,

Sa pagkakadapa namin, sa pagbabangon namin

natuyo ang maitim na ulap sa Busay.

(1989)


REFLECTION:


Ipinapakita ng tula na ito ang pista ng mahal na araw o kung mas tama ay ang pagdaraos ng mahal na araw. Para ding ito yung naunang tula na katha ni Joi Barrios, ito din ay nagsasalaysay. Ipinapakita ditto ang teknik ng pageenumerate, sa paggamit sa mga dumadalo sa prusisyon ng mahal na araw sa lupang tinubuan ng may-akda. Sa pamamagitan ng paggamit ng isang selebrasyon na kung saan halos lahat ng antas ng tao sa lipunan ay nadadaanan ito o nagbibigay ng respeto sa naturang okasyon. Ito din ay nagpapakita ng mga nais ng unang tao sa tula, kung paano niya iyon nais makamit at kung anong ginawa niya para makamit iyon. Kakikitaan din ng resulta ang tula na ito na kung saan siya ay di nagtagumpay, imbes hindi niya nakita ang inaasahang kapalit para sa ginawang sakripisyo.


Composed:


TIGAKUHA NG LITRATO SA KASAL

Don ValdecaƱas


Kadalasan ay kaagahan ng Pebrero

Ngunit minsan naman ay Mayo.

Nagnanais makuha lahat ng angulo

Isang litratong puno ng kaligayahan.

Mga bulaklak sa dinaraanan

Mga kislap ng kamera ay parang paputok

Sa madilim na eskinita ng Maynila.

At ang mga koro ay nagsisikantahang parang

Mga mangaawit sa PICC.

Isa-isang kinukuhaan ang mga abay mula sa

Kingsville.

at Filinvest.

mga kapamilya mula sa Valenzuela

mga kamaganak mula sa bataan

mga tiyahin mula sa La Union

mga pinsan mula sa Pulilan

mga kaibigan mula sa Meycauayan

mga kaklase mula sa Quezon City

mga abay mula sa Amerika

ninong mula sa iba’t-ibang lugar.

Magaling na pagkuha sa bawat silip

para mabigyan ng perpektong kuha

magandang mga kalalabasan

sa kaliwa, kanan, harap, likuran, itaas, ibaba

hanggang halos makuhaan na lahat ng sulok

pati ang mga kagamitan na ginagamit

Mahusay na pagkakagawa

tamang paghahalo ng liwanag

maayos na paggamit ng anino

malaman na litrato ang resulta

mga kapamilyang masaya

bagong kasal na nakangiti at anong tuwa.

(2009)

No comments:

Post a Comment