Thursday, February 19, 2009

Gahasa [Phil Lit TF 0900-1030]


GAHASA

Joi Barrios


Ihanda ang ebidensya.

Eksibit Blg. 1: Patalim, baril

o kahit na anong sandata,

patunay ng pagbabanta.

Eksibit blg. 2: Panty na may mantsa,

patunay ng kabirhenan ng dalaga.

Eksibit blg. 3: Sertipikasyon ng doctor,

patunay na—

a:sapilitan

b: lubusan

ang pagpasok ng ari,

Eksibit blg. 4: Sertipikasyon ng pagkatao

patunay ng hindi pagiging puta.

Ipasok sa hukuman ang nasasakdal.

Iharap sa hukuman ang nagsasakdal.

Simulan ang panggagahasa.

(1990)



REFLECTION:


Ipinakita ng naturang tula ang isang kakaibang istilo, kung saan ito ay parang nag-eenumerate at hindi ordinaryong tula lamang. Sabi nga ang tula ay di nagpapakita ng pakiramdam na kkaiba din sa isang tula dahil ang mga tula, madalas ay tungkol sa nararamdaman ng isang tao. Direct to the point ang tula, sa pagsasabi at pagkagrupo nito makikita na diretso at walang pasubaling sinabi ang mga ito. Pati sa katapusan ng tula sinabi din ang pangyayari ng walang laman, ngunit kung susuriin ay meron din naming kabuluhan. Tulad n gang proseso ng paglilitis ay nagiging parang panibagong panggagahasa sa biktima, dahil na din sa nagiging sariwa ulit ang mga alaala ng kalunos-lunos na krimen.


Composed:


PAGIISA

Don ValdecaƱas


Ipakita ang mga katunayan.

Ebidensya Blg. 1 Magarang suot, pabango,

alahas at mga kaibigan.

Ebidensya Blg. 2 Club na pupuntahan,

guestlist at sasakyan.

Ebidensya Blg. 3 Sigarilyo, sayawan at inuman.

Pipili ng –

a. Beer

b. Vodka

Ebidensya Blg. 4 Mga nakakakilala at

magsasabing hindi madalas lumabas.

Patugtugin ang mabilis na kanta.

Patindihin pa ang galaw ng katawan.

Umpisahan na ang pagiisa.

(2009)

No comments:

Post a Comment