Thursday, February 19, 2009

Kon [Phil Lit TF 0900-1030]



KON

(KUNG)

Gardeopatra Quijano

Translated by Don Pagusara


Kung mayroon lang akong pakpak,

Lilipad ako sa himpapawid,

Aaninagin ko silang humihikbi,

Paliligayahin, aking aawitan;

Hahanapin ko ang nagdadalamhati,

Isasauli sa kanila ang dahilan.

Kung tulad ko lang ay isda,

Sisisirin ko ang dagat na maitim,

Hahanapin ko ang mutya,

Lahat ng magaganda’y aking kukunin

Dadalhin ko rito sa lupa

Upang ipalit ang bagong kalagayan.

Kung ako lang sana ang tubig,

Wawasakin ko ang mga pampang;

Ihahaplos ko ang aking lamig,

At dudurugin ko ang mga batang;

Papatagin ko ang bundok na matarik

Upang ipalt ang bagong kalagayan.

Kung ako lang sana ang araw,

Hindi ako patatakip sa maitim na ulap

Ipababaha ko ang aking sinag,

Ibibigay ko ang lahat ng ganda

Nang lahat kayo’y masiyahan

Umaawit, maligaya, nakangiti!

At kung ako lang sana ang hangin,

O, aaliwin ko ang mga bulaklak,

Ipapalamuti ko sa lahat ng dako

Ang mga talulot na nangalaglag,

Baka sakaling may maiwang halimuyak.

Susundan ang bango ng mga makata.

(1936)


Reflection:

The author uses simile to use nature as the main mover of the said poem. We all long for happiness, something that everyone wants. The idea of using nature is so good, for there are a lot of things around us that brings us happiness in one way or another but most of the time we take for granted. This certain poem also shows how beautiful nature is and the good things it brings to us. The different ways the thing around us could bring joy and happiness to us. The poem shows the author wants to give happiness to other people. If we will all have the same wanting as of the author, then maybe the world would be a better place for all of us. The way the wings would be used ti make the people who are mourning is so good, for I learned that having a companion ease loneliness, and it makes the burden lighter. For using a fish, and since most of the things here on the surface were already spoiled the thought of bringing the unspoiled goodness of the ocean, it really is a good way or living happiness. The strength and gentleness of water also shows how good it is to do some changes around us to get a better way of living. The sun, with its rays of sunlight that symbolizes a new day, a new start and something that shows us the earth beauty by giving us light. And the wind, that invisible mover, always there but we cannot see. A force that spreads the good scent of the flowers, leaving us feeling good, relaxed and happy. Happiness is always possible for there would always be a thing around us that could give it to us.



Composed:


SANA

Don ValdecaƱas


Sana ako ay apoy

Bibigyan ko ng init ang mga nilalamig

Susunugin ang mga nakakapanglungkot

Aabuhin ang mga nakakalat na dumi.

Sana ako ay kidlat

Bibigyan ng liwanag ang himpapawid

Tutupukin ang mga nakasasakit

Magbibigay ng tuwa sa aking bawat saliw.

Sana ako ay ipo-ipo

Hihigupin lahat ng magaganda

Ilalagay sa lupa para makapagpasaya

Aalisin ang kalat at pababanguhin.

Sana ako ay bahaghari

Magbibigay kulay sa kalangitan

Magbibigay ligaya pagkatapos ng ulan

Magdudulot ng ngiti sa bawat mukha.

Sana ako ay takipsilim

Magbibigay pag-asa ng bagong simula

Maghahatid ng pahinga sa mga pagod na

Magdudulot ng kakalmahan sa isipan.


(2009)

No comments:

Post a Comment