Thursday, February 19, 2009

Nalpay A Namnama [Phil Lit TF 0900-1030]



NALPAY A NAMNAMA

(BLASTED HOPES)

Leona Florentino

Translated by M. Foronda Jr.


What gladness and what joy

are endowed to one who is loved

for truly there is one to share

all his sufferings and his pain.

My fate is dim, my stars so low

perhaps nothing to it can compare,

for truly I do not doubt

for presently I suffer so.

For even I did love

The beauty whom I desired

never do I fully realize

That I am worthy of her.

Shall I curse the hour

when first I saw the light of day

would it not have been better

a thousand times

I had died when I was born.

Would I want to explain

but my tongue remains powerless

for now do I clearly see

to be spurned is my lot.

But would it be my greatest joy

to know that it is you I love,

for to you do I vow and a promise I make

it’s you alone for whom I would lay my life.


(ca. 1880)


Reflection:


Hindi masamang umasa, umasang makamtan ang isang bagay, pisikal man ito o hindi. Ang pagibig ay isa sa maraming bagay na naguumpisa sa pag-asa. Dahil sa kaligayahang dulot nito, marami sa atin ang patuloy na naghahanap ng pagibig. Tulad nga ng sinabi sa tula, may nakalaan sa ating lahat para tayo ay damayan sa ating mga paghihirap at kalungkutan. Isang taong magdadala sa atin ng pagibig na syang magbubunga ng kaligayahan. May mga naghahanap, may mga naghihintay, may mga nakuha na, may mga nandyan na ngunit di pa din Makita at may mga nakikita na ngunit walang lakas ng loob na gumawa ng kahit na ano para kahit subukan lang, mapasakanila ang pagibig na iyon. Kuntento nang nakita ang pagibig at malaman na iyon ay para sa kanila at ang taong pagbibigyan nila ay nandyan na din.

Masarap magmahal, masarap malaman na makita na natin ang taong bibigyan natin ng pagmamahal nay un, ang umasang mamahalin din tayo ng taong yun.

Pagibig di ba lahat naman tayo naghahangad nito? Dahil kung wala ngang pagibig anong lungkot at dilim ng buhay natin. Lungkot ang dulot ng isang pagasang mauudlot ng dahil na din sa di pagkilos.


Composed:


TORPENG PAGIBIG

Don ValdecaƱas Jr.


Anong hirap ang umibig

Kung ito ay hindi masabi

Dibdib ko ay sumisikip

Dahil sa damdaming kinikimkim.

Dalang sakit ‘di mapaliwanag

Kapag ikaw ay nakikita

Sa piling ng iba

Ikaw ay napakasaya.

Kahit anong pasakit susuungin

Para lang mapakita

Ikaw tanging ikaw

Nagiisang sinisinta.

Ay! Ang sarap magmahal

Kay ganda sa pakiramdam

Sa loob parang kay gaan

Kapag ikaw ay dumadaan.

Ibibigay ko ang lahat

Lahat ng aking makakaya

Para lamang matanaw

Ngiti sa iyong mukha.

Puso ay napapangiti

Dahil sa imahinasiyon ikaw ay kapiling

Kahit na sa sarili lamang

Ikaw ay nagiging akin.


(2009)


No comments:

Post a Comment