Thursday, February 19, 2009

Ako ang Daigdig [Phil Lit TF 0900-1030]



AKO ANG DAIGDIG

Alejandro G. Abadilla


ako

ang daigdig

ako

ang tula

ako

ang daigdig

ang tula

ako

ang daigdig

ng tula

ang tula

ng daigdig

ako

ang walang maliw ako

ang walang kamatayang ako

ang tula ng daigdig


ii


ako

ang daigdig ng tula

ako

ang tula ng daigdig

ako

ang malayang ako

matapat sa sarili

sa aking daigdig

ng tula

ako

ang tula

sa daigdig

ako

ang daigdig

ng tula

ako

ang daigdig


iii


ako

ang damdaming

malaya

ako

ang larawang

buhay

ako

ang buhay

na walang hanggan

ako

ang damdamin

ang larawan

ang buhay

damdamin

larawan

buhay

tula

ako


iv


ang daigdig

ako

sa tula

ako

ang daigdig

ng tula.


(1940)



REFLECTION:


Masasabi ko na kakaiba ang ginamit na istilo sa paggawa ng tula na ito. Maaaring nais ipakita ng manunulat na sa pagsulat nya, siya ay malaya at maaaring gawin ang anumang kanyang naisin. Sa tulang ito nakita natin ang koneksyon na nagawa ng manunulat between poetry, the world and oneself. The world of poetry is instilled in each and everyone of us. Mayroong makata sa loob nating lahat ika nga, maaaring isang manunulat na nais ilabas ang kanyang saloobin o ihayag ang kanyang nararamdaman sa pammagitan ng tula. Sabi nga ang mundo ng tula ay walang kamatayan, nandyan lang siya. May buhay ngunit walang kamatayan. At dahil din sa mga tula nailalabas natin ang katotohanan, ito ay maaaring maging sangkap o gamit para ipaalam sa nakararami ang katotohanan, ang tunay nating nararamdaman. Nasasabi natin ang totoo ng walang pagaalinlangan, ng walang pumipigil, walang restrictions at walang rules and regulations na dapat sundin. Kaligayahan o kalungkutan, pag-ibig o galit, pagsang-ayon o pagkontra, ang lahat ng ito ay malaya nating maipapakita sa tula. Hindi kailangang mangambang mawala ito o may magbawal na ito’y mailathala. Sa mundo ng tula maikwekwento natin an gating buhay, experiences at nararamdaman. Tao ang gumagawa ng tula, siya ang maestro nito at ang tula ang kanyang obra, ang kanyang painting sa canvas. Tayo ang daigdig ng tula, ang daigdig ng tula ay nasa atin, ito ang ating mga ideya, nais sabihn at nararamdaman. Tayo ang nagbibigay buhay at kulay dito.



Composed:


AKO ANG SAYAW

Don ValdecaƱas


Ako ang sayaw

Ang sayaw ay ako

Sayaw

Ako

Ako ang sayaw

Ang sayaw ay ako

Galaw ay sayaw

Sayaw ay galaw

Galaw ang sayaw

Sayaw ng sayaw ay ako

Galaw

Sayaw

Ako

Ako ang sayaw

Sayaw ay ako

Sayaw ang buhay

Buhay ang sayaw

Buhay ng sayaw ay ako

Ako ang sayaw

Walang kamatayang sayaw

Sa habangbuhay ng sayaw may ako

Buhay ng sayaw ay galaw

Sa galaw buhay ang sayaw

Sa sayaw ang buhay at

Galaw ay ako

Buhay

Galaw

Sayaw

Ako

Ako ang sayaw

Sayaw ay ako

Ako


(2009)

No comments:

Post a Comment