VALEDICTION SA HILLCREST
(Iowa City, 1958)
Rolando S. Tinio
Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(Deretso na iyon sa barko while I take the
plane),
Inakyat kong muli ang N311 at dahil
dead of winter,
Nakatopcoat at galoshes akong
Nagright-turn sa N wing ng mahabang
dilim
(Tunnel yatang aabot hanggang Tundo).
Kinapa ko ang switch sa hall.
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary
tunnel,
Nagparang ataol.
Or catacomb,
Strangely absolute ang impression
Ng hilera ng mga pintong nagpupusisyon:
Individual identification, parang mummy
cases
De-nameplate, de-numero, de-hometown
address.
Antiseptic ang atmosphere, streamlined
yet.
Kung hindi catacomb, at least
E filing cabinet.
Filing, hindi naman deaths, ha.
Remembrances, oo. Yung medyomalapot
Dahil, alam mo na, I’m quitting the place
After two and a half years.
Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika
nga,
Siyempre’y nagging attached, parang
morning glory’ng
Mahirap mapaknit sa alambreng trellis.
At pagkabukas ko sa kuwarto
Hubo’t hubad na ang mattresses,
Wala nang kutson sa easy chair,
Mga drawer ng bureau’y nakanganga,
Sabay-sabay mag-ooration,
Nagkahiyaan, nabara.
Of course, tuloy ang radiator sa
Paggaralgal;
Nasa
Allans,
Yung mga quarterbacks across the hall
Pihadong panay ang display sa Des
Moines.
Don and Constance aren’t coming back
at all.
Gusto ko mang magpaalam ---
To whom?
The drapes? the washbowl? sa double-
Decker
Na pinaikot-ikot naming ni Kandswamy
To create space, hopeless, talagang
impossible.
Of course, tuloy ang radiator sa
paglagutok.
(And the stone silence,
nakakaiyak kung
sumagot).
Bueno, let’s get it over with.
It’s a long walk to the depot.
Tama na ang sophistication-sophistication.
Sa steep incline, pababa sa highway
Where all things level, sabi nga,
There’s a flurry, ang gentle-gentle.
Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,
The snow melts right under:
Nagtutubig parang asukal,
Humuhulas,
Nagsesentimental.
(1972)
REFLECTION:
Madalas ang paglisan ay malungkot, lalo na kung tayo ay na-attached na sa ating mga maiiwan. Hindi lahat ng paglisan ay ating ginusto at hindi din lahat ng paglisan ay ayaw natin. Maaring tayo ay aalis dhil mayroong mas magandang buhay na naghihintay sa atin sa ating pupuntahan.
Iba din ang style ng
Sa lahat ng paglisan isa sa mga bagay na maaaring makapagpagaan o makapapabigat nito ay ang mga alaala na dinadala natin. Alaala ng mga maiiwang gamit, bagay, lugar o mga taong nagging parte na n gating buhay, matagal man o panandalian lamang. Mga masasayang alaalang nagbibigay ng ngiti sa ating mga labi o maaaring nagagawa tayong hilingin na
Composed:
FAREWELL
Don ValdecaƱas
Ready na ang ticket
Tapos na din ang packing
Magulong kama at bakanteng closet
Mga kahong addressed at ready to go
Lazy afternoon,
Nakakalat pa ang mga DVD’s
Basyo ng Patrone at
Popcorn at mga natirang Buffalo wings
Na nalipasan na.
Nagpapaalala sa madaming memories
Movie nights, beer and vodka nights
At burritos nights na nakasanayan
Kasama ang mga homeboys
Mga kapwa Filipino from the community
Afro-American na nakatira around security
Mexican homeboy galling malapit sa Walmart
At yung white guy na may apartment sa Jupiter
Hanggang alas-dose or five in the morning pag rest days
Denny’s, IHop o Mickey D’s
Sausage links, fried rice at scrambled eggs kung hindi.
Ibang-iba ngayon,
Nephew on the bed , homeboy on the couch
Last time na nga ito
Oh well, kailangan nga naman mag move-on.
Kung emotions ang titignan
Happiness and sadness andiyan pareho
Kaya tama lang ang timbang,
Balance.
Bagong umpisa, sa babalikang bansa
May mga loved ones na naghihintay
Family, friends at colleagues na maiiwan
Nakakalungkot ngunit sadya ding masaya
Mixed emotions nga.
Gising na lahat,
Done with breakfast na
Yung mga boxes loaded na din.
Weather’s so good,
A bit chilly kahit mataas ang araw.
Ready for the airport.
Malungkot dahil may maiiwan
Masaya dahil sa mga babalikan
Malungkot, masaya,
Balance.
(2009)
No comments:
Post a Comment