Thursday, February 19, 2009

Sa Diyos Nga Gilansang [Phil Lit TF 0900-1030]


SA DIYOS NGA GILANSANG

(SA DIYOS NA NAKAPAKO)

Rene Estella Amper

Translated by Don Pagusara


Ang sining ng ating pangangailangan ay mahiwaga,

Na ginagawang mahalaga ang pangit na mga bagay.

—William Shakespeare, King Lear

Magmula sa abril ng ika’y kanilang ipinako

hindi naman natupok ang aming gutom,

nangarap kami ng biglang Paraiso

tulad ng kawatan sa iyong kanan;

kaya’t nakahilera kaming kumalong

sa malahari Mong bangkay,

ilaw ng prusisyon dagitab ng alitaptap,

mga hakbang nami’y rosaryo ng mga bituin,

mula sa putik sa Carbon

tungo sa kamanggahan sa Guadalupe;

kasama naming ang lupon ng mga anghel

sa disco pubs at beerhouse sa uptown

at Arellano Boulevard,

kasabay ang mga bakla sa Pelaez,

mga hasler sa B. Aranas,

mga matadero sa Lorega,

mga batang yagit sa Colon,

mga alipin sa Gaisano,

mga kutsero sa Pardo, mga dispatser,

mga drayber ng dyipni, mga madre

mula mapuputing hawla,

sagad sa langit ang aming pagdalangin

sana’y tumagos sa lupa ang Iyong pag-ibig;

tubig, apoy, alibangbang, alimpulos,

uod, bubuyog, ahas, alon, gapnod, kasingkasing

sabay sa pagbubungkal ng likuran ng daigdig

hanggang mapatid an gaming pagkauhaw,

hanggang mailigpit ang tanang basura,

hanggang sumilay ang kaunlaran;

ngunit naibenta na ang kababaihan

sa mayayamang dayuhan;

nakipagpenpal, nagdanser, nag-asawa ng matanda,

ang iba’y aming itinago;

ang hindi naitago’y nagpaalipin sa Singapore.

Talukbong ng aming kahihiyan, ibinunyag

sa ambon; tanda ng aming kapighatian

nahubog sa sirang sapatos!

Mahiwaga, na kahit sa alat

ng aming hininga, ipinagsisigaw namin

ang langit sa lupa, piniga ang luha, idinilig sa puso.

Hindi ka nakialam!

Panginoon, di ka kaya nagbibiro?

Hanggang saan ang aming paghihintay?

Napuno ng alikabok ang aming tuyot na lalamunan,

Sa pagkakadapa namin, sa pagbabangon namin

natuyo ang maitim na ulap sa Busay.

(1989)


REFLECTION:


Ipinapakita ng tula na ito ang pista ng mahal na araw o kung mas tama ay ang pagdaraos ng mahal na araw. Para ding ito yung naunang tula na katha ni Joi Barrios, ito din ay nagsasalaysay. Ipinapakita ditto ang teknik ng pageenumerate, sa paggamit sa mga dumadalo sa prusisyon ng mahal na araw sa lupang tinubuan ng may-akda. Sa pamamagitan ng paggamit ng isang selebrasyon na kung saan halos lahat ng antas ng tao sa lipunan ay nadadaanan ito o nagbibigay ng respeto sa naturang okasyon. Ito din ay nagpapakita ng mga nais ng unang tao sa tula, kung paano niya iyon nais makamit at kung anong ginawa niya para makamit iyon. Kakikitaan din ng resulta ang tula na ito na kung saan siya ay di nagtagumpay, imbes hindi niya nakita ang inaasahang kapalit para sa ginawang sakripisyo.


Composed:


TIGAKUHA NG LITRATO SA KASAL

Don Valdecañas


Kadalasan ay kaagahan ng Pebrero

Ngunit minsan naman ay Mayo.

Nagnanais makuha lahat ng angulo

Isang litratong puno ng kaligayahan.

Mga bulaklak sa dinaraanan

Mga kislap ng kamera ay parang paputok

Sa madilim na eskinita ng Maynila.

At ang mga koro ay nagsisikantahang parang

Mga mangaawit sa PICC.

Isa-isang kinukuhaan ang mga abay mula sa

Kingsville.

at Filinvest.

mga kapamilya mula sa Valenzuela

mga kamaganak mula sa bataan

mga tiyahin mula sa La Union

mga pinsan mula sa Pulilan

mga kaibigan mula sa Meycauayan

mga kaklase mula sa Quezon City

mga abay mula sa Amerika

ninong mula sa iba’t-ibang lugar.

Magaling na pagkuha sa bawat silip

para mabigyan ng perpektong kuha

magandang mga kalalabasan

sa kaliwa, kanan, harap, likuran, itaas, ibaba

hanggang halos makuhaan na lahat ng sulok

pati ang mga kagamitan na ginagamit

Mahusay na pagkakagawa

tamang paghahalo ng liwanag

maayos na paggamit ng anino

malaman na litrato ang resulta

mga kapamilyang masaya

bagong kasal na nakangiti at anong tuwa.

(2009)

Gahasa [Phil Lit TF 0900-1030]


GAHASA

Joi Barrios


Ihanda ang ebidensya.

Eksibit Blg. 1: Patalim, baril

o kahit na anong sandata,

patunay ng pagbabanta.

Eksibit blg. 2: Panty na may mantsa,

patunay ng kabirhenan ng dalaga.

Eksibit blg. 3: Sertipikasyon ng doctor,

patunay na—

a:sapilitan

b: lubusan

ang pagpasok ng ari,

Eksibit blg. 4: Sertipikasyon ng pagkatao

patunay ng hindi pagiging puta.

Ipasok sa hukuman ang nasasakdal.

Iharap sa hukuman ang nagsasakdal.

Simulan ang panggagahasa.

(1990)



REFLECTION:


Ipinakita ng naturang tula ang isang kakaibang istilo, kung saan ito ay parang nag-eenumerate at hindi ordinaryong tula lamang. Sabi nga ang tula ay di nagpapakita ng pakiramdam na kkaiba din sa isang tula dahil ang mga tula, madalas ay tungkol sa nararamdaman ng isang tao. Direct to the point ang tula, sa pagsasabi at pagkagrupo nito makikita na diretso at walang pasubaling sinabi ang mga ito. Pati sa katapusan ng tula sinabi din ang pangyayari ng walang laman, ngunit kung susuriin ay meron din naming kabuluhan. Tulad n gang proseso ng paglilitis ay nagiging parang panibagong panggagahasa sa biktima, dahil na din sa nagiging sariwa ulit ang mga alaala ng kalunos-lunos na krimen.


Composed:


PAGIISA

Don Valdecañas


Ipakita ang mga katunayan.

Ebidensya Blg. 1 Magarang suot, pabango,

alahas at mga kaibigan.

Ebidensya Blg. 2 Club na pupuntahan,

guestlist at sasakyan.

Ebidensya Blg. 3 Sigarilyo, sayawan at inuman.

Pipili ng –

a. Beer

b. Vodka

Ebidensya Blg. 4 Mga nakakakilala at

magsasabing hindi madalas lumabas.

Patugtugin ang mabilis na kanta.

Patindihin pa ang galaw ng katawan.

Umpisahan na ang pagiisa.

(2009)

Liham ni Pinay Mula sa Brunei [Phil Lit TF 0900-1030]



LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

Elynia Ruth S. Mabanglo


Ako’y guro, asawa at ina.

Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda,

Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.

Napagod yata ako’t nanghinawa,

Nagsikap mangibang-lupa.

Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera,

Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.

Naghihintay siya ng kape

At naninigarilyo,

Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro,

Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.

Hindi siya nag-aangat ng mukha

Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata.

Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo,

Inaaliw kung mainit ang ulo.

Wala siyang paliwanag

Kung bakit hindi siya umuwi magdamag,

Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo

Kapag umalis ako ng lingo.

Ayaw niya ng galunggong at saluyot,

Kahit pipis ang sobreng inabot,

Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam

Kahit ang pangrenta’y laging kulang.

Ako’y guro, asawa at ina.

Isang babae—napapagal sa pagiging babae.

Itinakda ng kabahaging

Masumpa sa walis, labada’t oyayi

Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.

Iyo’t iyong din ang ruta ng araw-araw—

Kabagutang nakalatag sa kahabaan

Ng bahay at paaralan,

Ng kusina’t higaan.

May karapatan ba akong magmukmok?

Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?

May beerhouse at massage parlor na tambayan

Ang kabiyak kong nag-aasam,

Nasa bintana ako’t naghihintay.

Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap,

May krus ang dila ko’t di makapangusap.

Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,

Itinotodo ko ang bolyum ng radio.

Napagod yata ako’t nanghinawa,

Nagsikap mangibang-lupa.

Noon ako nanaginip na nakapantalon,

Nagpapadala ng dolyar at pasalubong.

Nakahihinga na ako ngayon ng maluwag,

Walang susi ang bibig ang isip ay bukas.

Aaminin kong ako’y nangungulila

Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.

Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto

Sa telepono nabubusog ang puso.

Umiiyak ako nung una,

Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.

Ito lamang ang sagot,

Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.


(1987)



REFLECTION:


Nakikita ko dito na ipinahahayag ng may-akda ang karaniwang katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan siya ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay ginagampanan niya ang lahat ng ito. Madalas hinahadlangan niya ang sariling pagunlad para sa kapakanan ng iba at may maraming pagkakataon ay hindi din napapansin ang kanyang mga ginagawa at pasakit. Dito din ay ating mapupuna na ang mga kababaihan ay may karapatan ar maari ring umunlad sa iba’t-ibang personal na aspeto kung kanila lamang nanaisin.



Composed:


LUTONG PINOY SA AMERIKA

Don Valdecañas


Propesyonal na tambay

Kahit na tapos ng kurso sa pagluluto

Isang biktima ng kakulangan ng trabaho

Maaaring kakulangan din ng ekspiryensya

Umaasa makalipad patungong ibang bansa

Sa bahay mula umaga hanggang madaling-araw

Tapsilog sa umaga

Sinigang sa tangahali

Adobo sa gabi

Pati na yata ang meryenda ng pamilya

Hilig at mahal ko ang pagluluto

Perpektong mga sangkap

Tamang tamang halo

Mahigit pa sa sapat na pansin ang inuukol

Tamang tama

Sinubukang maghanap

Ngunit hindi umabot sa kwalipikasyon

Kailangan daw may isang taon o mahigit

Na pagtrarabaho sa naturang propesyon

Kulang na nga sa trabaho

Kulang na sa magtratrabaho

Madami pang hinihinging kung ano ano

Nang nasa interbyu na

Tinanong ako

Ang daming tanong

Tinanong ako sa bahay

Kung anong balak ko para sa kinabukasan

Patuloy bang mananatili sa bahay?

Patuloy magiging tambay?

Pinipilit ko ngunit hindi ko makuha

Ginagawa ang lahat ngunit di nila makita.

Umaasa makalipad patungong ibang bansa

Ngayon nandito

Sa kainan sa kanto ng 7th Avenue

Wellington, Steaks at Barbeque

Hindi na tambay,

Nagagawa na ang gusto

Nakakapagluto na

Ng pagkaing para sa mga kano.


(2009)

The Way We Live [Phil Lit TF 0900-1030]



THE WAY WE LIVE

(For Ted Nierras)

Danton Remoto


Bang the drum, baby,

let us roll tremors

of sound to wake

the Lord God of motion

sleeping under the skin.

Of choosing what to wear

this Saturday night:

cool, sexy black

or simply fuck-me red?

Should I gel my hair

or let it fall like water?

Of sitting on the sad

and beautiful face of James Dean

while listening to reggae

at Blue Café.

Of chatting with friends

at The Library

while Allan shimmers

with his sequins and wit.

Of listening to stories at Cine Café:

the first eye contact,

conversations glowing

in the night,

lips and fingers touching,

groping for each other’s loneliness.

Of driving home

under the flyover’s dark wings

(a blackout once again plunges

the city to darkness)

Summer’s thunder

lighting up the sky

oh heat thick

as desire

Then suddenly the rain:

finally falling

falling everywhere:

to let go, then,

to let go and to move on,

this is the way it seems

to be. Bang the drum, baby.

(1992)



REFLECTION:


The author is trying to show a lifestyle or a culture where the day comes alive at night. Living in the fast lane and knowing other people who do too. Getting intimacy from strangers, acquaintances, and maybe friends as well. Something without any strings attached where in you could move on again and again and from one partner to another as long as you like. The said poem gives a hint about the author’s lifestyle. It shows the bending og the norms, a culture where in there is no discrimination in gender but only the happy part of being free and the sadness of being alone.



Composed:


KEEP ON MOVING

Don Valdecañas


Keep on moving

Different places, different sights

Many people and new faces

Ideas to learn and express

Feelings to keep and share

Home sweet home

Hot food on the platter

Warm water for shower

Fresh and clean clothes

Loved ones and a soothing bed

The green school

New ideas and knowledge learned

Sharing and expressing thoughts

Familiar faces in casual and uniform

Books, notes and papers

That place called work

Bright lights and cool night breeze

Keyboard sound and the mouse were clicking

Quick huddles while others already started

Helping, serving and learning

My happy place

Walking hand-in-hand

A wonderful dinner

Sweet kisses and gentle cuddles

Deep breathe, her warm skin

Wanting and longing to stay longer

But I got to keep moving,

Round and round but at least

I keep on moving.


(2009)

Ang Dapat Paniwalaan [Phil Lit TF 0900-1030]



ANG DAPAT PANIWALAAN

Jose F. Lacaba


Siya’y pinalaki ng lolang palakuwento,

kaya sa pagtulog ay lagging kasiping

ang kapre, tikbalang multo at maligno,

sanlibo’t isang panggabing pangitain.

Itinuro sa kanya ng butihing lola

(kasabay ng katon) ang lahat ng dasal,

antanda sa Latin, senyas at pangontra

sa kapangyarihan ng aswang at kulam.

Subalit pagpasok sa unibersidad,

nang ang kanyang lola’y matagal nang patay,

natutuhan din niya kung ano ang dapat

paniwalaang ng isang edukado:

na ang dapat niyang katakutan ay tao,

at sa tao’y hindi dasal ang panlaban.


(ca. 1965-69)



REFLECTION:


Tayong mga Pilipino ay madaming mga kasabihan at pamahiin na pinaniniwalaan. Naipapasa ang mga ito mula sa mga naunang henerasyon papunta sa mga bagong sibol. Karamihan sa mga ito ay galing sa probinsya kung saan may mga pagkukulang ang siyensya at ang mga pagkukulang na ito ay pinupunan ng mga kasabihan na ito.

Pagpasok ng sapat na edukasyon, ng mataas na kaalaman sa pamantasan o unibersidad, namumulat ang mata ng isang tao sa mga bagay na hindi niya dating alam. Nakikita nya ang kabulukan o kagandahan ng isang sistema na nilikha ng tao. Itinuro sa kanya ang mga tama at mali, mga bagay na tanggap sa lipunan at ang mga bagay na hindi. Kanya ding nalalaman na ang tao bilang pinakamataas na uri ng hayop ay may kapabilidad na gumawa ng bagay na hindi nya aakalain at hindi sa kanya maipapakita o maituturo ng pamahiin sa probinsyang kinalakihan. Siya ay mamumulat na ang kanyang kapwa tao lamang ang maaaring makasakit sa kanya at makapagdala ng lungkot at kahirapan at pasakit.



Composed:


BISPERAS

Don Valdecañas


Sabi sa akin nung ako ay bata pa

Tuwing bisperas ng pasko dapat mag saya

Dahil ito ang gabing dumarating

Ang lalaking mataba at naka pula

Siya ay may listahan

Ng mga mababait at hindi

At kung ikaw ay naging mabait buong taon

Magandang regalo ang makakamit

Ngunit nang ako ay tumanda na

Dahil sa relihiyon at edukasyon na nakamit

Nalaman na ang nakapulang mama ay walang katotohanan

Ang pagpapakabait ay para sa sarili lamang


(2009)

Sa Sinumang Pintor ng Still Life [Phil Lit TF 0900-1030]



SA SINUMANG PINTOR NG STILL LIFE

Rio Alma


Ay, huwag kang malalasing sa linamnam ng papaya,

Sa lamukot ng dalandan, sa nilalik na mansanas,

O sa tamis na mahinhin ng samplatong buwig-ubas.

Huwag ka ring maaaliw sa inayos na balangkas

Pagkat baka mapawaglit sa unawa’t kamalayan

Iyang kamay na nagtanim ng papaya at ng ubas

Iyang kamay na nagdilig sa dalandan at mansanas,

Iyang kamay na nagbantay, nag-alaga’t pumitas.

Ay, huwag kang malalango sa porma ng mesa’t silya,

Sa daloy ng mga linya at pagkanto ng anggulo

O sa likhang perspektiba at bigat ng bawat bulto.

Huwag ka ring mahahaling sa testura’t chiaroscuro

Pagkat lalong mahalagang maisalin sa larawan

Iyang kamay na pumulak at nagpabulas sa bulto.

Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo,

Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo.

Iyo lamang isapuso: bawat bagay sa daigdig,

Kapag isang likhang-tao ay may kamay na nagpawis;

Isapuso lamang ito, at sa bawat likhang-guhit

Ang pipintig ay di bagay kundi buhay-anakpawis.


(1975)



REFLECTION:


Cause and effect, ito ay isa sa mga bagay na aking pinaniniwalaan. Dahil lahat nga naman ng bagay ay nangyayari dahil sa isa o mahigit pang dahilan. “Pag may itinanim, may aanihin”, sabi nga dito sa atin. At mayroon din tyong kasabihang, “Ikaw ang nagtanim ngunit iba ang nag-ani”. Tunay nga na mas maganda ang unang kasabihan, dahil pinapakita nito na iyong makukuha ang iyong pinaghirapan. Ngunit mas madalas ngayon ay ang ikalawang kasabihan. Ating mapapansin na marami ang nagpapakahirap gawin ang kanilang mga kaya at dapat gawin ngunit hindi nakukuha ng maayos ang kapalit ng kanilang pinaghirapan. Maraming ganito ngayon sa ating lipunan, lalo sa sa sector ng agrikultura at mga empleyado ng ibang kumpanya o pabrika. Marami s amga taong ito ay nangangamuhan at gumagawa ng mabibigat na trabaho. Karamihan ditto ay ang mga kapatid nating anak-pawis o mahihirap na nagtratrabaho kahit na maliit lang ang sahod o suweldo na ibinibigay para lamang may maitugon sa mga pangangailangan nilang personal man o pang-pamilya.

Ang patuloy na paghihirap ng mga kapatid nating ito at maaring dahil din sa kanila o sa kanilang pinagtratrabahuan. May mga employer na sinasamantala ang mga pangangailangan ng ating mga kapatid na ito na papatulan ang kahit na anong pagkakakitaan para sa barya-baryang kita. Mayroon din tayong mga kapatid na mahihirap o hindi at mga employer na nalalasing sa nakukuhang kapangyarihan, nagyayabang sa maliit na tagumpay na nakukuha imbes na ito ay pagyabungin at pagyamanin.

Nakakalungkot ding isipin na maraming nakakagaan sa buhay ang hindi marunong magpahalaga sa ginawang paghihirap ng ating mga kapatid na mahihirap. Isang halimbawa ay ang mga produktong ginagawa o pinagtratrabahuan ng mga kapatid nating mahihirap, kanilang pinagpawisan at pinagbuhusan ng makakaya na kapag nabili ng mga may kaya o nakakaangat sa buhay ay hindi man lang mapagpahalagahan o mapagbigyan ng tamang importansya at pagaalaga sa kadahilanang ito ay kanilang binili lamang at hindi pinaghirapan.



Composed:


ANG MANLILILOK NG KAHOY

Don Valdecañas


Matatag na parang Narra

Matibay na parang sinsil

Matigas na parang martilyo

Magaspang na parang liha

Hinulma ng init

Pinakinis ng pagsubok

Pinagtibay ng panahon

Pinaganda ng barnis

Bawat pawis na pumatak

Mga palo at pukpok

Nagbibigay ayos at hugis

Magandang resulta ang makakamit

Bawat hampas ng martilyo

Sa sinsil na humuhubog

Sa istatwang pang dekorasyon

Nasa bahay ng mga mararangya

Isang anak-pawis ang nasa likod

Sa bawat disenyo at ideya

Ang isang iskulpturang pampaganda

Sa mga kapatid natin na anak-pawis

Ay buhay na.


(2009)

Valediction sa Hillcrest [Phil Lit TF 0900-1030]



VALEDICTION SA HILLCREST

(Iowa City, 1958)

Rolando S. Tinio


Pagkacollect ng Railway Express sa aking things

(Deretso na iyon sa barko while I take the

plane),

Inakyat kong muli ang N311 at dahil

dead of winter,

Nakatopcoat at galoshes akong

Nagright-turn sa N wing ng mahabang

dilim

(Tunnel yatang aabot hanggang Tundo).

Kinapa ko ang switch sa hall.

Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary

tunnel,

Nagparang ataol.

Or catacomb,

Strangely absolute ang impression

Ng hilera ng mga pintong nagpupusisyon:

Individual identification, parang mummy

cases

De-nameplate, de-numero, de-hometown

address.

Antiseptic ang atmosphere, streamlined

yet.

Kung hindi catacomb, at least

E filing cabinet.

Filing, hindi naman deaths, ha.

Remembrances, oo. Yung medyomalapot

Dahil, alam mo na, I’m quitting the place

After two and a half years.

Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika

nga,

Siyempre’y nagging attached, parang

morning glory’ng

Mahirap mapaknit sa alambreng trellis.

At pagkabukas ko sa kuwarto

Hubo’t hubad na ang mattresses,

Wala nang kutson sa easy chair,

Mga drawer ng bureau’y nakanganga,

Sabay-sabay mag-ooration,

Nagkahiyaan, nabara.

Of course, tuloy ang radiator sa

Paggaralgal;

Nasa New York na si Bob and the two

Allans,

Yung mga quarterbacks across the hall

Pihadong panay ang display sa Des

Moines.

Don and Constance aren’t coming back

at all.

Gusto ko mang magpaalam ---

To whom?

The drapes? the washbowl? sa double-

Decker

Na pinaikot-ikot naming ni Kandswamy

To create space, hopeless, talagang

impossible.

Of course, tuloy ang radiator sa

paglagutok.

(And the stone silence,

nakakaiyak kung

sumagot).

Bueno, let’s get it over with.

It’s a long walk to the depot.

Tama na ang sophistication-sophistication.

Sa steep incline, pababa sa highway

Where all things level, sabi nga,

There’s a flurry, ang gentle-gentle.

Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,

The snow melts right under:

Nagtutubig parang asukal,

Humuhulas,

Nagsesentimental.


(1972)



REFLECTION:


Madalas ang paglisan ay malungkot, lalo na kung tayo ay na-attached na sa ating mga maiiwan. Hindi lahat ng paglisan ay ating ginusto at hindi din lahat ng paglisan ay ayaw natin. Maaring tayo ay aalis dhil mayroong mas magandang buhay na naghihintay sa atin sa ating pupuntahan.

Iba din ang style ng tula na ito, magkahalong ingles at tagalong ang lingwaheng ginamit ng manunulat. Sabi nga ng akong professor, ito ang pinaka-unang tagalong-ingles na tulang nailathala. Isa na naming kathang nagpapakita na sa literature, lahat tayo ay malaya. Sa pagsira ng barrier na ito, nagsimula na ang paglalathala ng mga tagalog-ingles na obra at isa nga itong tula na ito sa tungkol sa pagpapaalam sa mga tulang iyon.

Sa lahat ng paglisan isa sa mga bagay na maaaring makapagpagaan o makapapabigat nito ay ang mga alaala na dinadala natin. Alaala ng mga maiiwang gamit, bagay, lugar o mga taong nagging parte na n gating buhay, matagal man o panandalian lamang. Mga masasayang alaalang nagbibigay ng ngiti sa ating mga labi o maaaring nagagawa tayong hilingin na sana ay di natin kailangang lumisan. Mga malulungkot na alaalang nagsasabi sa atin na mas makakabuti ang ginawa nating pagalis. Mga alaalang nagsasabing hindi muna tayo dapat umalis dahil mayroon pa tayong dapat ayusin o tapusin. Mga alaalang mahirap alisin dahil nakatatak na ang mga ito sa ating utak at puso, ito man ay mga malulungkot o masasayang alaala. Gusto man natin o hindi darating ang araw na mangagailangang lumisan, mula sa pamilya, bayan o bansa, ito man ay para sa mabuti o masama. Malungkot oo, ngunit darating ang oras na kailangan natin itong tanggapin. At magmove-on para na din sa ating ikakabuti. Mas maluwag nga naman kasi sa kalooban at mas magagawa natin ang mga bagay na kailangan nating gawin kung tutulungan natin ang ating mga sarili, na kahit unti-unti ay matnggap ang ginawang paglisan.



Composed:


FAREWELL COLORADO SPRINGS

Don Valdecañas


Ready na ang ticket

Tapos na din ang packing

Magulong kama at bakanteng closet

Mga kahong addressed at ready to go

Lazy afternoon,

Nakakalat pa ang mga DVD’s

Basyo ng Patrone at Corona

Popcorn at mga natirang Buffalo wings

Na nalipasan na.

Nagpapaalala sa madaming memories

Movie nights, beer and vodka nights

At burritos nights na nakasanayan

Kasama ang mga homeboys

Mga kapwa Filipino from the community

Afro-American na nakatira around security

Mexican homeboy galling malapit sa Walmart

At yung white guy na may apartment sa Jupiter

Hanggang alas-dose or five in the morning pag rest days

Denny’s, IHop o Mickey D’s

Sausage links, fried rice at scrambled eggs kung hindi.

Ibang-iba ngayon,

Nephew on the bed , homeboy on the couch

Last time na nga ito

Oh well, kailangan nga naman mag move-on.

Kung emotions ang titignan

Happiness and sadness andiyan pareho

Kaya tama lang ang timbang,

Balance.

Bagong umpisa, sa babalikang bansa

May mga loved ones na naghihintay

Family, friends at colleagues na maiiwan

Nakakalungkot ngunit sadya ding masaya

Mixed emotions nga.

Gising na lahat,

Done with breakfast na

Yung mga boxes loaded na din.

Weather’s so good,

A bit chilly kahit mataas ang araw.

Ready for the airport.

Malungkot dahil may maiiwan

Masaya dahil sa mga babalikan

Malungkot, masaya,

Balance.


(2009)